Mt. Pinatubo
Mt. Pinatubo

Wala sa plano ko ngayon taon o buwan ang pag-akyat sa Mt. Pinatubo pero ito ay nasa “bucketlist” ko. Isa itong pangarap na matagal ko nang gusto abutin kaya di na ako nagpahuli pa inabot ko na. Di biro ang pag-akyat sa bulkan na ito, isang oras na byahe sa 4×4 na ang dadaanan ay buwis buhay talaga; parang kombinasyon ng bagyo, lindol, tsunami na syempre masarap sa pakiramdam dahil alam kong ligtas naman ako. Wala na rin siguro hihigit sa mahigit dalawang oras na “trekking” lalo na may panalong “view” na para bang nasa ibang mundo ako.

SAM_3977

Pinaranas sa akin ng Pinatubo ang kumain ng putik, pumapak ng alikabok, makipag sayawan sa hangin, gumapang sa mga batuhan kaya may bonus akong sakit ng katawan. Dahil biglaan itong trip na ito, ang tanging paghahanda ko lang ay ang paglakad mula QC City Hall hanggang office. Pero ganoon pa man, walang tatalo sa ganda ng Pinatubo, sino mag-aakala na noong Grade 3 ako sumabog ito at kumitil sa buhay ng madami. Na sa lakas ng pagsabog pati sa bahay namin may “ashfall”, pero ang Diyos ay may magandang plano, ginawa nyang maganda ang isang bagay na minsan naging mapanganip. Sa ganda nya lahat ng pagod ko sulit. Sa ganda nya nakalimutan ko na puyat pala ako, sa ganda nya nakaligtaan ko na lipas pala ako sa gutom at ang tanging karamaay ko sa paglalakbay na ito ay “gatorade” at “kitkat”. Di ko din makakalimutan ang tawanan, kantahan, kwentuhan sa paglalakbay na ito.
Ang alaala ng Pinatubo ay mananatili sa puso at isip ko.

SAM_4054

IMG_8946943475397

IMG_87190239919460

I recommend  : Tripinas Travel and Tours http://tripinas.blogspot.com/

tripinas@gmail.com for your Mt. Pinatubo adventure

For me their are organized, warmth and friendly.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s